Connect with us

Entertainment

Zsa-Zsa Padilla Taglay Pa Rin Ang Walang Kupas Na kagandahan Sa Kabila Ng Kanyang Edad

Published

on

“50 is the new sexy”, tila ito nga ang pinatunayan ng batikang singer-actress na si Zsa-Zsa Padilla dahil sa kabila ng kanyang edad na 58 ay taglay pa rin nga ang kaseksihan at kagandahan na tunay na hinahangaan ng marami.

Si Zsa Zsa Padilla ay kilala ng publiko bilang mahusay na aktres, mang-aawit sa mundo ng showbiz, maliban pa dito ay isa rin siyang song-writer, music producer, product endorser, businesswoman at vlogger na rin dahil nga sa pagkakaroon na niya 225K subscriber sa kanyang sariling YouTube channel.
Madalas ngang itampok ni Zsa Zsa sa kanyang mga vlog ang mga masasaya at kapapanabik na adventure niya sa iba’t ibang mga lugar at bansa.

Matatandaan na minsan na ngang naitampok ni Zsa Zsa sa kanyang vlog ang napakalawak at napakagandang farm nila na matatagpuan sa Lucban, Quezon kung saan ito nga ay ipinagawa nila ng partner niyang si Conrad Onglao at tinawag nga nila itong Casa Esperanza.

Maliban pa nga sa mga ito, ngayon ay madalas ding nakikita ng publiko si Zsa Zsa bilang isa sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan” ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime. Kasama rin ng ani Zsa Zsa sa pagiging isang hurado ang anak niyang si Karylle na nagmana rin talaga ng kagandahan sa kanya.
Sa kabila nga ng lahat ng natamong kasikatan at tagumpay ni Zsa Zsa sa kanyang buhay ay tila wala na nga siyang mahihiling pa at masasabi din naman natin na ‘deserve’ niya ang lahat ng mga magagandang pangyayari sa buhay niya ngayon.

Samantala, nito nga lamang nakaraan ay ipinagdiwang ni Zsa Zsa ang kanyang kaarawan kung saan siya nga ay tumuntong na sa edad na 58. At bilang selebrasyon, ay nagkaroon nga sila ng munting salo-salo at handaan kung saan ay kanyang nakasama ang mga taong mahalaga sa kanyang buhay.

Noon nga lamang ika-28 ng Mayo ng ipagdiwang ni Zsa Zsa ang kanyang kaarawan at sa kanya ngang social media account ay ibinahagi niya ang isang short video clip na nagpapakita ng naging masayang kaganapan sa naturang selebrasyon.

Marami naman ang nakapansin ng pagiging fresh at young-looking pa din ni Zsa Zsa sa kabila ng kanyang edad, at ayon pa sa iba, ay hind inga mapaghahalata sa hitsura ng aktres na ito ay 58-taong gulang na. Ilan naman sa mga personalidad sa mundo ng showbiz na nagpaabot ng kanilang pagbati para sa kaarawan ni Zsa Zsa ay sina Ryan Bang, Lorna Tolentino, Arlene Muhlach, Rita Avila, Cherry Pie Picache at marami pa ngang iba.